Here is the Transcript of his speech. A lot of people were raving about his speech after the graduation ceremony that is why I was curious about it. I was glad that some of my friends shared his speech when he posted it on his Facebook profile.
Without further adieu, here is the speech
------------
To our Rector-President, Very Rev. Fr. Aloysius Ma. Maranan, our beloved administrators, Dean Virgilio Jara, Vice Dean Marciano Delson, Prefect Risel Castillo-Taleon, our guest speaker, Atty. Enrique Perez, our dear members of the faculty, parents, guests, and fellow graduates, a pleasant afternoon.
To our Rector-President, Very Rev. Fr. Aloysius Ma. Maranan, our beloved administrators, Dean Virgilio Jara, Vice Dean Marciano Delson, Prefect Risel Castillo-Taleon, our guest speaker, Atty. Enrique Perez, our dear members of the faculty, parents, guests, and fellow graduates, a pleasant afternoon.
Before I begin, I would like to inform you that I will not
be delivering my Valedictory Address in English. I know that this is not usual
practice. But please, lend me your ears, as I speak in our mother tongue.
Marahil nagtataka kayo kung bakit nasa wikang Filipino ang
aking talumpati, samantalang Ingles ang lingua franca sa law school. Ang ating
mga batas, court proceedings, pati na ang mga desisyon ng Korte Suprema ay nasa
wikang Ingles. Nakasanayan natin na gamitin ang Ingles sa mga recitations at exams.
Gayunpaman, ang araw ng pagtatapos ay hindi lamang para sa
atin. Bagkus, ang araw na ito ay pagkilala rin sa mga taong tumulong sa atin
para marating ang ating kinalalagyan ngayon. Kabilang na rito ang aking mga
kamag-anak at mga kasamang bisita, katulad ng aking lola na si nanay Andeng.
Hindi sila bihasa sa wikang Ingles. Gayundin ang aking ama na si Joselito. Nais
ko silang pasalamatan kaya naman ang aking talumpati ay nasa ating pambansang
wika.
Laki sa hirap ang aking ama. Sa walong magkakapatid, iilan
lamang silang nakatungtong ng kolehiyo. Sa katunayan, nagtrabaho pa bilang
tricycle driver ang aking ama habang siya ay nag-aaral. Sa pamamagitan ng sipag
at determinasyon, siya ay nagtapos bilang isang electrical engineer at
nagtrabaho bilang isang government employee sa loob ng higit 20 taon.
Binigyang-diin ng aking ama ang halaga ng edukasyon. Kaya
naman, labis-labis ang aking kasiyahan na nagtatapos ako ngayon.
Sa kasamaang palad, hindi natin kapiling ngayon ang aking
ama. Pumanaw siya halos tatlong taon na ang nakalilipas dahil sa sakit na
leukemia. Ako noon ay patungong second year pa lamang dito sa College of Law.
Naaalala ko pa nga: sa ospital ako nagsulat ng case digests para sa klase nina
Justice Lopez at Atty. Bruce, at doon ako nag-memorize ng provisions para kay
Dean Ulan. Habang ang aking ama ay sumasailalim sa chemotherapy, sa ospital
kami nag-Pasko at nag-Bagong Taon.
Lingid man sa kaalaman ng karamihan, muntik na akong tumigil
sa pag-aaral ng Law dahil sa malalaking gastusin sa ospital at chemotherapy. Sa
katunayan, maging ang aking kapatid na si Camille ay kinailangang ipagpaliban
muna ang kanyang pag-aaral ng medicine.
At sa tuwing miss na miss ko si Papa, binabalikan ko ang
huling text message niya sa akin. First year ako noon at kasama ako sa awarding
ceremonies. Ang sabi niya sa akin, “Anak, mahal kita. Keep up the good work!”
Pa, ito na ang bunga ng ating paghihirap. Sayang, hindi mo na nahintay.
Napakasakit mawalan ng isang magulang. Gayunpaman, alam ko
rin na mas masakit mawalan ng isang asawa. Ang aking inang si Cecilia, sa
kanyang edad na 48 years old, ay nagtatrabaho pa rin bilang isang call center
agent. Gabi-gabi siyang pumapasok sa opisina para lang matustusan ang aming mga
pangangailangan.
Bilang panganay na anak at nag-iisang lalaki sa tatlong
magkakapatid, naisip ko noon na tumigil na lang sa pag-aaral. Tutal naman,
mayroon na akong bachelor’s degree. Naghanap ako ng trabaho at desidido nang
tumigil sa pag-aaral. Subalit dahil sa sakripisyo ni Mama, nandito ako ngayon
bilang inyong Class Valedictorian.
Mama, maraming maraming salamat, at hindi ko man palaging
sinasabi, ay mahal na mahal kita. Thank you, sa patuloy na pagtitiis mo para sa
aming magkakapatid upang patuloy naming maabot ang aming mga pangarap. Hindi mo
kami sinukuan. Kaya naman, pangako ko rin sa iyo at sa aking mga kapatid,
Camille at Tricia, na hindi ko rin kayo susukuan.
Ito ang kwento ng aking paglalakbay sa San Beda College of
Law. Mahirap at maraming lubak. Ilang ulit man akong nadapa ay natutunan kong
bumangon para maabot ang aking mga pangarap. Ngunit hindi ko ito naabot
mag-isa. Sa tulong ng aking mga kaibigan, blockmates at orgmates, na hindi ko
na mababanggit pa isa-isa, ay nalagpasan ko ang law school. Maraming salamat
din sa staff ng Dean’s Office, lalo na kay Kuya Jerome, sa pag-intindi sa amin
sa apat o higit pang taon. Salamat din sa lahat ng bumubuo ng Alumni
Association, lalo na kay Dr. Conrado Oca at Ms. Wilma, na tumulong sa akin
mairaos ang apat na taon. At syempre, sa lahat ng mga magulang at kamag-anak
natin na narito ngayon at tumulong sa atin, maraming salamat po.
Kung tutuusin, simple lang naman ang gusto nating lahat:
maging abogado. Ngunit araw-araw ay sinusubukan ang ating dedikasyon – sa mga
bokyang recitation kay Atty. Amurao at mahihirap na exams ni Dean Jara. Ito ay
mga maliliit na pagsubok lamang. Ang ilan sa atin ay pamilyado na at hati ang
oras sa pag-aaral, halimbawa sina Kat Naga at Kenneth Ng. Ang ilan naman sa
atin ay nagtrabaho rin nang ilang taon katulad ni Lei Columna. Mayroon ding
nagkasakit o kaya’y naospital sa gitna ng semestre, katulad nina Joy Intig at
Ed Apaya. Ang iba sa atin ay nawalan din ng mga mahal sa buhay, katulad nina
Maica Hautea, Iya Correa at Gelo Abella. At higit sa lahat, kasabay natin sa pag-martsa
si Jokat Ledda, bar exam blast survivor at nagsisilbing inspirasyon sa ating
lahat.
Marahil ang susi sa kwentong ito ng pagbangon ay ang
paghahanap ng saysay o layon sa ating mga pangarap. Bakit natin ito ginagawa?
Para kanino? Para saan?
Ipinagmamalaki natin na nagsimula tayo bilang 17 sections.
Ngunit 6 sections na lamang tayo na nagsisipagtapos ngayon. Subalit ang mas
malaking hamon sa bawat isa sa atin ay ito – ang bigyang saysay ang ating
pag-aaral ng Law.
Kaugnay nito, isa pang dahilan kung bakit nasa wikang
Filipino ang aking Valedictory Address, ay ang aking adhikain na ipasa, o ‘di
kaya’y isalin, sa wikang Filipino ang ating mga batas, pati na ang mga court
proceedings, decisions at court records.
Hindi ba’t nakakatawa na dayuhan tayo sa sarili nating mga
batas? Mapalad tayong mga nakapag-aral dahil kaya nating paikut-ikutin ang
wikang Ingles. Ngunit paano naman ang nakararami? Paano naman ang masa?
Halimbawa: kami sa Legal Aid Bureau, sa patnubay ni Atty.
Peter-Joey Usita, ay nagtungo sa kanayunan para sa aming Streetlaw Projects.
Dinayo namin ang probinsya ng Rizal, Quezon at Pangasinan. Doon ay nagbigay
kami ng lectures tungkol sa Katarungang Pambarang Law. Doon din namin nalaman
na karamihan sa mga opisyales ng barangay ay hindi pala naiintindihan ang
nasabing batas.
Ignorantia legis non excusat. Ignorance of the law excuses
no one from compliance therewith. Gayunpaman, paano natin maaasahan ang ating
mga kababayan – lalo na ang masa – na ipatupad o dili kaya’y sundin ang batas
na hindi naman nila naiintindihan? Hindi ito makatarungan.
Naging pilot project ng Supreme Court sa mga RTC ng Bulakan
ang paggamit ng wikang Filipino. Iba’t iba ang naging pagtanggap ng mga tao sa
nasabing eksperimento. Nakalulungkot na sa huli ay ginawa lamang opsyonal ang
paggamit ng Filipino sa korte. Ngunit ayon sa pag-aaral ni Isabel Pefianco
Martin, isang propesor mula sa Ateneo de Manila University, “until such time
when the language of the Philippine legal system becomes truly transparent and
genuinely available to all Filipinos, justice in the Philippines will remain
elitist and elusive.”
Oo, tiyak na magastos, mahirap at matagal ang inaasam kong
pagbabago. But we should never sacrifice justice for the sake of convenience.
Ang ilan sa atin kayang i-recite ng pabaliktad ang kahulugan ng salitang social
justice and “social justice is bringing about the greatest good for the
greatest number”.
The law is a tool for nation-building. And according to
Benedict Anderson, the nation is an imagined community. It is therefore
incumbent upon us, those learned in the law, to imagine a new Filipino nation –
one that brings about the greatest good for the greatest number.
Kaugnay nito at bilang pagtatapos, nais kong sambitin ang
mga salita ng pinaka-unang dekano ng San Beda College of Law na si Dean
Feliciano Jover Ledesma. For him, the goal of San Beda is “to produce good
Christian and highly principled lawyers, mentally and spiritually equipped to
take their places among real apostles of Justice”. From the Greek word
“apostolus,” apostle means “send forth”. From hereon, we are sent forth to
deliver a message of justice.
San Beda College of Law is home to seven bar topnotchers.
With us here is my close friend and idol, Atty. Katrine Paula Suyat, who placed
7th in the 2013 Bar Exams. We continue to be in the top three law schools in
terms of passing percentage. Yet, our mission is to go beyond the numbers.
The business of other law schools is to teach law in the
grand manner and to make great lawyers. However, let us aim to be more than
just great lawyers. It is written in the stars that we are meant to be Bedan
lawyers.
On behalf of the graduating class, I thank all of you, our
dear teachers, for preparing us for a life-long journey of finding justice. You
have made us strong to face not only the bar exams and the practice of law. We
will soon be ready to take our place among real apostles of justice.
So, my fellow graduates, as we prepare to pass the 2014 bar
exams; no, when we top the 2014 bar exams, let us strive towards a larger goal
- to serve the people.
That in all things, God may be glorified!
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!